in

Partnership ng Viva Entertainment at TV5, maraming pasabog!

Sa huling bahagi ng 2020, nananatiling una sa mga prioridad ng Viva Entertainment ang kasiyahan ng masang manonood. Sa pamamagitan ng tambalan nito sa Kapatid Network na TV5, makapaghahatid ang Viva ng mga programang magbibigay aliw at inspirasyon sa lahat ng tao anumang edad, lalo na sa panahon ngayon.

Limang kakaibang programa mula sa CignalTV at SariSari na ginawa ng Viva na nagmula sa TV5 agad ang bubungad ngayong Oktubre at Nobyembre.

Ang “Masked Singer Pilipinas”, kung saan host si Billy Crawford, ay ipalalabas simula October 24, 7 PM sa TV5 Primetime block. Hango sa South Korean Show na “King of Mask Singer”, na ginawa rin ng America bilang “The Masked Singer”, ilang celebrity contestants ang magtatagisan ng galing habang nakasuot ng maskara at costume. Bawat linggo, ang kanilang pagtatanghal ay bibigyan puntos ng mga celebrity judges na sina Cristine Reyes, Kim Molina, Matteo Guidicelli, at Aga Muhlach. Tatanggalan ng maskara ang makakakuha ng pinakamababang puntos upang makilala ng lahat, bago ito tuluyang tanggalin sa palabas.

Ang comedy-horror series na “Ghost Adventures” ay nagtamo ng mataas ng ratings kaya nagbabalik ito para sa ikalawang yugto. Simula Oktubre 31, ipagpapatuloy ni Par Jack (Benjie Paras), ang pagtulong sa mga kaluluwa na makatawid sa kabilang buhay. Dahil sa kanyang abilidad, tinuturing siyang kakumpitensiya ng isang pwersa sa purgatoryo at gagawin nito ang lahat upang hindi magtagumpay si Par Jack sa kanyang misyon. Makakasama ni Benjie Paras sina Empoy Marquez at Kylie Verzosa sa “Ghost Adventures Season 2”.

Hango sa komiks na isinulat ni Francisco V. Coching, tampok ang lakas at kakayahan ng kababaihan sa “Bella Bandida” na pagbibidahan ni Ryza Cenon. Sa pamamagitan ng kanyang superpwers, kakalabanin ni Bella Bandida ang masasamang elemento sa lipunan simula Nobyembre 23. Ito ang unang “title role” para kay Ryza Cenon matapos ang kanyang mahusay na pagganap sa iba’t-ibang karakter tulad nina Georgia Ferrer sa Ika-6 na Utos, Aubrey Hidalgo sa Ang Probinsyano, at Jessie de Leon-del Fierro sa The General’s Daughter. ‘Wag palampasin ang kwento kung paano nakuha ni Bella Bandida ang kanyang superpowers.

Noong taong 2000, nagmarka sa diwa ng mga manonood ang mga nakakikilabot na kwento sa “Kagat ng Dilim” ng batikang direktor na si Erik Matti. Simula ngayong Nobyembre, bubuhayin ng mga critically acclaimed directors na sina Richard Somes, Lawrence Fajardo, Paul Basinillo at Rae Red ang “Kagat ng Dilim” at sisiguraduhing magbibigay ng mga nakahihindik na kwento. Iikot ito sa mga folktales at urban legends na tatak Pinoy.

Ang ikalimang handog ng Viva at TV5 ay ang “Onstage”, kung saan matutunghayan ang mga pinakamahuhusay at ‘di malilimutang konsyerto ng inyong mga paboritong mangaawit. Ilan sa mga nakalinyang programa ay ang “Anne Kapal Forbidden Concert” ni Anne Curtis, “Revolution: The JaDine Concert” nina James Reid at Nadine Lustre, “The Crew: Billy Craword, Sam Concepcion and James Reid”, “Playlist”, “SiKat Ako: Katrina Velarde Concert”, “Martin & Side A”, Martin Nievera 3D, “What Love Is?” nina Martin Nievera at Sarah Geronimo, at iba pang Sarah G concerts, tulad ng “In Motion”, “The Next One”, “From The Top”, at “The Great Unknown”.

Sa 2021, walong exciting shows pa ang handog ng Viva at TV5.

Magbabalik ang “Born To Be A Star” upang makahanap ng isang multimedia performer na kikilalanin sa buong mundo. Si Janine Teñoso, na tanyag ngayon bilang OST Princess, ay produkto ng “Born To Be A Star” season 1.

Makikilala si “Puto”,ang karakter na minahal noong ’80 at ginampanan ni Herbert Bautista. Sa kasalukuyang panahon, ang fantasy-comedy series na ito ay iikot sa pakikipagsapalaran ni Puto kasama ang tatlong dwende na makapagbibigay sa kanya ng tatlong kahilingan.

Ang “Republika Origins”, na hango sa graphic novel mula sa Epik, ay tungkol sa dalawang karakter na sina Liway at Nario, na nagmula sa angkan ng mga bayani. Matutuklasan nila na pareho silang may special powers. Hangad ng dalawa na mahanap pa ang mga tulad nila upang sama-samang maghanda para sa napipintong malaking giyera.

Lima sa walong programa ay magiging local adaptation ng mga record-breaking foreign shows.

The Wall”, ang game of chance mula sa produksyon ni Lebron James, ay magbibigay ng sarmut-saring emosyon mula umpisa ng laro hanggang sa huli.

Matinding pressure ang haharapin ng mga kalahok sa “1000 Heartbeats”, ang game show na nagmula sa UK. Isang electronic heart-rate counter ang suot ng manlalaro upang mabilang ang tibok ng kanyang puso, at sa loob lamang ng isang libong tibok kailangan niyang masagot ng tama lahat ng tanong.

Ang romantic-drama series na “Encounter” ay tungkol sa pagbangon ng isang babae mula sa kanyang pagkahiwalay sa asawa. Makahahanap siya ng bagong mamahalin, ngunit bagong pagsubok ang haharapin.

Sa action-adventure series na “Ninja Kids”, mga kabataang online gamers ang magsasama-sama upang puksain ang matinding pwersa na naghahasik ng lagim sa tunay na buhay. Panahon na para i-level up pa ang kanilang husay sa pakikipaglaban.

Sa mga naglalakihang programang nabanggit, tiyak na pangmalakasan ang pagsasanib-pwersa ng Viva at TV5 ngayon at sa darating pang mga taon.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyla at Kikx, may pa-throwback sa ‘90s R&B sa bagong single na ‘TLC’

‘Ber Months Na Naman’ ni Jamie Rivera, bubuhayin ang Pinoy Christmas spirit