in

Paolo Contis, motivation ang anak na si Summer upang mas maging fit

Sa loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ng Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis. 

Ayon kay Paolo, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.
 
Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi pwedeng ganun. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”
 
Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na papasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba’t ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng netizens. “Para akong may matandang kausap, grabe nakakatuwa,” say ng aktor. “Deretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos may mga acting siya na ‘Ouch! Ouch!’”

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future. “Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag sinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, nag-celebrate ng birthday sa beach  

Tara na sa Jeepney TV ‘Kumu-Nity Bazaar’ para masuportahan ang maliliit na negosyo