in

Mga bida ng ‘I Can See You: The Promise’, may realizations sa lock-in taping

Maraming realizations na napulot ang stars ng ‘I Can See You: The Promise’ na sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi mula sa kanilang lock-in taping.

Dahil ‘The Promise’ ang isa sa pinakaunang serye ng GMA na sumabak sa lock-in taping, naniniwala si Paolo na mai-inspire nila ang iba pang artista na nag-aalinlangan pang sumabak sa taping, “We were very concerned na maging successful ‘yung taping kasi alam namin na marami kaming co-actors na takot pa. Because of this, naniniwala ako na mai-inspire namin sila.”
 
Naniniwala naman si Andrea na mas gumanda ang kanilang performance dahil sa matagal na pagpapahinga, “Naapektuhan ‘yung quality ng trabaho. Kasi well-rested kami, palaging ‘yung best mo ‘yung ibibigay mo.”
 
Naging safe at smooth naman daw ang taping ayon kay Benjamin, “The energy, the safety is even better, the taping is even better, to think na we’re coming from six months absence.”

Kahit nanibago, napanatag daw ang loob ni Yasmien dahil sa mahigpit na safety protocols na ipinatupad sa set, “Mayroon kaming safety officers sa loob ng set namin na nagpapaalala sa amin ng do’s and don’t’s.”
 
Ang ‘The Promise’ ang ikalawang installment sa drama anthology na ‘I Can See You’ na napapanood simula October 5, 9:15PM, sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, may pasilip sa kanyang anniversary celebration

RitKen, magpapakilig sa ‘Dear Uge’ ngayong Linggo