in

Alden Richards, may pasilip sa kanyang anniversary celebration

Ipinasilip ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang naganap na pictorial para sa kanyang 10th year showbiz anniversary celebration sa darating na December 8.

Sa isang Instagram video ay ibinahagi ni Alden ang behind-the-scenes ng kanyang pictorial para rito, “Silip muna. Let’s experience it together on Dec 8. #AldensReality #AldenRoadtoTen”
 
And as expected, maraming fans ni Alden ang na-excite rito. Biro pa ng ilang followers niya, magli-leave na raw sila sa naturang date, “Mag file na ako ng vacation leave for Dec 8 ha.”

Samantala, maganda rin ang naging feedback ng viewers at netizens sa kakatapos lang na mini-series ni Alden na ‘I Can See You: Love On The Balcony’ kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith. Kahit pa isang linggo lang umere ang programa, maraming viewers ang natuwa sa magandang kwento, at mahusay na pagkakalatag ng mga eksena.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Batikang mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz, kasama na sa ‘TV Patrol’

Mga bida ng ‘I Can See You: The Promise’, may realizations sa lock-in taping