in

Ruru Madrid, naninibago pa sa taping

 Masaya man na back-to-work na ulit, aminado ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na may adjustments pa sa kanya sa pagsalang sa taping ngayong “new normal.”

“Napakahirap, sa totoo lang,” kuwento ni Ruru sa GMANetwork.com. “Kasi ngayon bago tayo magtrabaho o pumunta sa GMA o kaya ng studio, kailangan mo munang magpa-swab. Ang nakakatuwa sa GMA ay iniingatan nila tayong lahat. Bago magtrabaho, swab. Pagdating sa trabaho, kailangan social distancing.”

Dagdag pa ni Ruru, namimiss na rin niya ang mga panahon na nakakapag-kulitan pa sila ng mga co-stars niya sa set dahil ngayon ay strict ang social distancing na ipinapatupad sa kanila.

Napapanood si Ruru sa ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo, 12nn, sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, pina-wow ang netizens sa bagong song cover

Paolo Contis, isinusulong ang pagkakaroon ng respeto sa social media