Sa nakaraang fan meet ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa online show ng GMA Artist Center na ‘Hangout,’ ibinahagi niya ang mga bagay na nadiskubre niya sa kaniyang sarili ngayong quarantine.
Kuwento ni Jeric, mas nagkaroon siya ng oras para pagbutihin ang sarili. “Kung dati wala tayong time sa mga bagay-bagay, ngayon, sobra-sobra naman. Ngayong nasa bahay lang tayo, mas marami tayong madidiskubre. Ako, nag-aral ako ng music, na-enhance ko pa. Na-recharge ako, na-refresh ako.”
Samantala, dahil nagsisimula nang bumalik ang tapings, naka-abang na rin ang mga fans sa pagbabalik-TV ng hit Afternoon Prime Drama series na ‘Magkaaagaw,’ kung saan co-stars ni Jeric sina Klea Pineda, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Abangan ang updates sa GMA Network para hindi mahuli sa balita.