in

Willie Revillame, ibinahagi ang pamumuhay sa ‘Wil Tower’  

Sa pamamagitan ng isang virtual tour, ipinasilip ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang pamumuhay sa Wil Tower. Simula kasi nang nakabalik siya sa Maynila noong Abril at itinuloy ang kanyang programa, ang Wil Tower na ang naging studio ng Wowowin at nagsilbing tahanan niya at ng kanyang staff hanggang ngayon.

“Ang lahat po ng ito ginagawa ko, ginagawa namin para ho hindi na sila umuwi. Para ho safe na tayo,” ani Willie.

Ipinakita ni Willie ang kanyang mga katrabaho sa likod ng camera, kung saan sila pumapasok patungong setup ng Wowowin, ang kanilang conference room, at pati na ang kanilang dirty kitchen.

Ipinasilip din ni Willie ang nakaabang na kitchen showcase at living room showcase na maaaring mapanalunan sa ‘Spin A Wil.’

Ang Wowowin ay araw-araw napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Dynamite’ dance cover ni Ruru Madrid, aprub sa BTS

Denise Barbacena, trending ang mga hugot sa TikTok!