Bukod sa paparating niyang mini-series na ‘I Can See You: High Rise Lovers,’ abala rin ngayon ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez sa kanyang training bilang reservist ng Philippine Navy.
Ipinakita ni Winwyn sa kanyang Instagram post ang ilang pictures mula sa kanyang marksmanship training. “Thankful sa drill instructors namin for imparting their knowledge and training us from 5 in the morning hanggang mag hapon, and non-stop sa pag-remind sa amin na safety is number one,” aniya.
Pinaalala naman ni Winwyn na hindi dapat ginagawang laruan ang mga baril dahil delikado ang mga ito. Importante rin daw na magkaroon muna ng proper training sa gun safety, “We are strongly discouraged from playing or toying with firearms because they are inherently dangerous. They must always be stored carefully and handled with care.”