in

Angela Alarcon, hindi inakalang kakayanin ang sakripisyo para sa pamilya

Kabilang ang young Kapuso star na si Angela Alarcon sa fresh episode ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado (October 3). Sesentro sa pamilya at sakripisyo ang kuwento na pagbibidahan nina Angelika dela Cruz at Neil Ryan Sese.

At dahil tungkol sa pamilya ang episode, ibinahagi ni Angela ang isang bagay na hindi niya akalaing makakaya niyang gawin para sa kanyang pamilya. “Ang isang sakripisyong hindi ko akalaing magagawa ko para sa aking pamilya ay ang maging iskolar ng bayan at atleta sa aking unibersidad, at makapagtapos with honors,” say ni Angela.

Cum laude sa kursong Speech Communication mula UP Diliman ang anak ni Jestoni. Isa rin siyang black belter sa taekwondo. “Dugo, pawis at luha po ang aking pinagdaanan bago ko po makamit iyon. Naging inspirasyon ko po ang aking pamilya sa buong proseso ng sakripisyong iyon. Kahit sabay-sabay na physically, mentally, and emotionally po ang effect sa akin, hindi po ako sumuko,” pagbabahagi pa ni Angela.

Ngayong Sabado, 4 pm, mapapanuod ang Wish Ko Lang! episode na “Nilapa ng Buwaya” kung saan kasama rin ni Angela sina Barbara Miguel at Miggs Cuaderno.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, magaan ang loob kay Jasmine Curtis-Smith

Heart Evangelista, babalikan ang hilig sa pagkanta