in

Jak Roberto, may regalo para sa bagong bahay ni Sanya

Tiles shopping naman ang pinagkaabalahan ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez recently. At makikitang sibling goals talaga sina Jak and Sanya sa latest vlog nila sa YouTube kung saan mapapanood ang naging shopping experience nila.

Regalo ni Jak ang tiles para sa bahay na ipinundar ni Sanya. Biro niya, “’Yung bahay [ni Sanya] may garahe kaso nga lang ‘yung bubong may leak, sinuggest ko na gawin na lang terrace ‘yun at pa-sementuhan na para nakalapat na mismo sa bahay at para wala nang leak. Nung ginagawa na, naisip ko na kailangan nang ipa-tiles. Ang hirap pa lang mag-suggest, guys. Pag nag-suggest ka, gastos mo.”  

Umabot sa mahigit 100 tiles ang nabili ng magkapatid sa hardware store at ipinangako rin nina Jak at Sanya na kapag naayos na nila ang bahay ay magkakaroon sila ng house tour para sa mga kanilang fans. Panoorin ang kabuuan ng bonding moment ng Bida-bida sibs sa kanilang YT channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, sobrang na-miss umarte!

Docu film na ‘Jake and Charice,’ nakasungkit ng nominasyon sa 2020 International Emmys