Sa isang YouTube vlog, inamin ng Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia na naging insecurity niya noon ang pagiging morena.
Aniya, “Kasi nung high school ako, parang, I didn’t care that much about skin color. Parang, wala lang siya sa akin. Tapos nung pumasok ako sa industry, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sabi-sabi, or people who are gonna say na ‘Alam mo kailangan mo magpaputi para makakuha ka ng ganito’ or ‘Kailangan mas okey kapag maputi ka.’”
Pero dahil dito, mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya, “Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa-sway sa ibang tao.”
Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi sa ‘Encantadia’, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.