in

Jon Lucas at Luis Hontiveros, may practical tips na ibabahagi sa ‘Mars Pa More’  

May practical tips na hatid sina Descendants of the Sun heartthrob Jon Lucas at Kapuso newbie Luis Hontiveros sa kanilang guesting sa ‘Mars Pa More’ ngayong Lunes (September 21).

Dahil hindi mapipigilan ang pagpunta ng grocery stores para mamili ng supplies sa bahay, magbabahagi ng helpful tips si Jon mula mismo sa kanyang experience kung papaano ang ligtas at maingat na paraan ng pagbili ng grocery items sa panahon ng pandemya.
 
Samantala, ibibida naman ni Luis ang kanyang kakaibang workout gamit ang Balance Board para sa viewers na naghahanap ng bagong exercise routine sa kani-kanilang tahanan.
 
Tutukan ang isa na namang masayang chikahan kasama ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’ ngayong Lunes, 8:45 AM sa Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Divine Tetay, back to work na para sa ‘I Can See You’

MNL48 Reunion Tuloy Ang Saya