in

Kyline Alcantara, nag-aaral ng kursong Tourism

Isa nang ganap na freshman sa college ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara at ang kursong napili niya ay Tourism. 

Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi ni Kyline kung ano ang nag-inspire sa kanya na kunin ang kursong ito. Aniya, “I want to have enough knowledge about the Philippines so pagdating ko sa ibang bansa, kayang-kaya kong ipagmalaki kung gaano kaganda ‘yung Pilipinas.”

Dahil naka-quarantine pa rin, online muna ang classes niya, “More of nakakatakot sa akin. Kasi bagong school, e. So, lahat ng nandu’n sa school ko na ‘yon, parang kilala nila ang isa’t isa. And ‘yun nga first year ng college and first time ko rin mag-online talaga. I’m excited for the challenge na kung paano ko ima-manage ‘yung time ko.”

Samantala, napapanood si Kyline sa ‘Kambal, Karibal’, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, tampok sa ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado

Aiai Delas Alas, achieve ang dream bod!