in ,

Joyce Pring, tinalakay ang mental health sa gitna ng COVID-19

Sa panahon ngayon kung kailan may lumalaganap na COVID-19, bukod sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan upang makaiwas sa sakit, mainam din na bigyang-pansin ang mental health ng bawat isa.

Halos mag-iisang buwan na rin magmula ng ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa ilang parte ng bansa. Ito ang unang pagkakataon para sa karamihan sa ating lahat na maranasan ang mga nangyayari ngayon.

Dahil dito, normal daw na makaranas ng stress, anxiety, o depresyon ang ilan sa atin lalo pa at hindi tayo sanay na manatili lamang sa ating mga tahanan dagdag pa riyan ang mga nakakabahalang balita araw-araw.

Sa kanyang podcast na Adulting with Joyce Pring, nakapanayam ng Kapuso star at Unang Hirit host si Dr. Gia Sison na isang medical doctor at kilalang mental health advocate tungkol sa pagpapanatili ng malusog na pag-iisip sa panahon ng krisis.

Ilan sa mga payo ng doktor ay limitahan ang paggamit ng social media, humingi ng tulong o suporta kung kinakailangan, mag-ehersisyo at gumalaw-galaw sa mga tahanan. “Now is the best time to ask for support. There are a lot of people who are willing to lend support,” giit ni Dr. Sison.

Samantala, sa kabila ng quarantine, masayang nagdiwang sina Joyce at asawa nitong si Juancho Trivino ng kanilang ika-2nd month of marriage noong April 10 sa kanilang bahay.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Megan Young, inabutan ng tulong ang frontliners at aetas

Aiko Melendez, pinuri ang ‘Prima Donnas’ co-star na si Sofia Pablo