Kasalukuyang nasa long-distance relationship ang Kapuso comedian na si Boobay at ang non-showbiz boyfriend niyang si Kent Juan Resquir na naka-base sa Australia.
Kuwento pa ng ‘The Boobay and Tekla Show’ host, halos dalawang taon na raw silang LDR ng kanyang nobyo at kahit pinaghiwalay ng pandemya, mas dumadalas daw ang kanilang communication.
Aniya, “Pero ang maganda naman doon sa Australia ngayon, parang okay na ‘yung COVID-19 [situation] doon at nakabalik na siya sa work. At ang maganda, mas nagkaroon kami ng madalas na communication. ‘Yun ‘yung pinaka-importanteng nangyayari sa amin ngayon.”
Ngayong Linggo (September 13), tutukan ang masaya at nakakaintrigang chikahan nina Boobay at Tekla kasama si Mark Bautista sa bagong episode ng ‘TBATS’, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho, sa GMA-7!