Makakasama ni Ces Drilon ang icon ng selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas, ang singer-songwriter na si Jose Mari Chan sa “Bawal Ma-Stress Drilon” na mapapanood 9:30pm sa FYE Channel sa Kumu ngayong Setyembre 21 (Lunes).
May pagkakataon ding makasama sa masayang usapan at makikanta ng mga pamaskong awitin ang mga Kumuzens kasama sina Ces at Jose Mari sa pagsali sa “Let’s Sing Merry Christmas and A Happy Stress Drilon” campaign.
Kailangan lang magsimulang mag-public live stream ang mga sasali simula ngayon hanggang 11:59am ng Setyembre 18 (Biyernes) at makaipon ng ‘Stress Drilon’ virtual gift mula sa mga manonood nila.
Ang streamer na makakakuha ng pinakamaraming virtual gifts ang magiging co-host sa episode, habang ang nasa ikalawa at ikatlong pwesto naman ay makakasama rin sa live stream. Lahat naman ng top five streamers ay makakatanggap ng Ces.Style x Peculiar Eyewear—ang nangungunang computer eyewear online na may UV400 lenses.
Isa ang “Bawal Ma-Stress Drilon” sa mga patok na digital shows na ipinapalabas nang live sa Kumu, kung saan nakikipag-usap si Ces sa kanyang mga guest gaya nina Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno, Maymay Entrata, at Gardo “Haggardo” Versoza, kasama pa ang Kumuzens. Isa rin ito sa mga pwedeng panoorin sa FYE Channel, kung saan dapat abangan ng mga manonood ang mga live na usapan, laro, mga pagtatanghal at iba pa.
Maging stress-free ngayong Christmas season at sumali sa “Let’s Sing Merry Christmas and A Happy Stress Drilon” campaign kasama sina Ces at Jose Mari Chan! I-download ang Kumu app at sundan ang FYE Channel (fyechannel) para mapanood ang iba pang mga programa ng FYE Channel sa pamamagitan ng pagli-live stream sa Kumu.
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.