in

Yasmien Kurdi at Benjamin Alves, may pasilip sa lock-in taping ng ‘I Can See You: The Promise’  

Masaya at proud na ipinasilip ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise.

Sa kanyang Instagram post na makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping, “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na #lockintaping for #ICanSeeYou #ThePromise. Congratulations Team “The Promise” Excited na ako mapanood n’yo ang gawa namin! #newnormal.”
 
Bukod kay Yasmien ay nag-post din ng photo ang co-star niyang si Benjamin Alves kung saan matatanaw ang magandang lake house kung saan sila nag-taping. Sa isa pang post ay ibinahagi rin ni Benjamin ang pangalan ng gagampanang katakter, “Jude Agoncillo… soon on #ICanSeeYou on GMA!”
 
Makakasama rin nila Yasmien at Benjamin sa ‘The Promise’ sina Paolo Contis at Andrea Torres. Abangan ang pinakabagong offering ng GMA Drama team na ‘I Can See You’ na mapapanood sa Telebabad block ngayong Setyembre sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anthony Rosaldo, may bagong segment sa YouTube!

Michael V., mas pursigidong tumulong sa kapwa