in

Anthony Rosaldo, may bagong segment sa YouTube!

Katulad ng maraming celebrities, may bagong natutunang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na ‘E-Sing Lutuin.’

Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutunan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.”
 
Unang pinag-eksperimentuhan ng singer ang Shrimp Aligue ala Anthony Rosaldo. Panoorin ang unang sabak ni Anthony sa kusina sa kaniyang latest vlog sa YouTube!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Vic De Guzman, parte na ng GMA Artist Center

Yasmien Kurdi at Benjamin Alves, may pasilip sa lock-in taping ng ‘I Can See You: The Promise’