in

Biboy Ramirez at Ahron Villena, pasok sa episode ng ‘Wish Ko Lang’ ngayong Sabado  

Parehong may kinalaman ang mga karakter nina Biboy Ramirez at Ahron Villena sa gagampanang role ni Kris Bernal para sa new episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado (August 29). Si Ahron ang asawa ni Kris sa drama pero dahil sa pambubugbog niya sa huli ay tatakasan siya ni Kris. Makikilala naman ng karakter ni Kris si Biboy na isang mabait at mapagmahal na lalaking magatataguyod sa kanila ng kanyang anak.

Nakaka-relate raw si Biboy sa kuwento ni Kris as Jerlyn. “Ang girlfriend ko po ngayon ay single mom din. And para sa akin, hindi importante ang nakaraan ng partner mo. Ang importante, yung nararamdaman ninyo para sa isa’t isa sa kasalukuyan.”

Na-challenge naman daw si Ahron sa role niya rito. “Medyo mabigat ang character ni Nestor kasi nambubugbog ng asawa, hindi lang isang beses, maraming beses.”

May mensahe naman si Kris para sa mga tulad ni Jerlyn na patuloy na nagsusumikap para sa pamilya. “Lahat ng paghihirap ay masusuklian,” say ng aktres. “Marami kang pagdadaanan that will test your patience, your strength, and even your faith pero huwag kang mawalan ng pag-asa.”

Tiyak na kukurot na naman sa puso ang bagong episode na ito ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Inside the COVID Ward’ ng Reporter’s Notebook ngayong Huwebes

Miguel Tanfelix, ganadong mag-post sa social media