in

Miguel Tanfelix, ganadong mag-post sa social media

Mas ganado ngayong mag-post sa kanyang social media accounts ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix kasabay ng pagpo-promote bilang ambassador ng clothing giant na H&M.

“Sobrang laking milestone siya sa akin, na naging ambassador ako ng H&M. Feeling ko, ginaganahan ako mag-post sa social media accounts ko. So, very big blessing talaga sa akin ‘yung endorsement. I’m really thankful sa H&M and sa lahat ng tao and siyempre, kay Lord,” pahayag ni Miguel.

Social media-heavy ang promotions ng H&M endorsement ni Miguel kaya naman sinisigurado niyang involved siya sa creative process ng pag-shoot ng videos sa TikTok. 

“I have suggestions na tinatanggap naman nila–‘yung music na gusto ko, kung anong style ng TikTok ‘yung gusto ko. Big thing sa akin ‘yung creativity kasi ‘pag magpo-post ka sa social media, kailangan creative ka talaga, right? So, ang sarap lang sa feeling na mayroon akong freedom na kung ano ‘yung gusto kong gawin.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Biboy Ramirez at Ahron Villena, pasok sa episode ng ‘Wish Ko Lang’ ngayong Sabado  

Andre Paras at Klea Pineda, type jowain ang isa’t isa?