in

Tinuruan ni Alden Richards mag-ML… Jessica Soho, magiging gamer na?

Nakakaaliw talaga si Jessica Soho dahil game na game siyang subukan ang current trends sa show niyang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nitong Linggo nga, ang kinababaliwang laro ng karamihan na Mobile Legends (ML) ang sinubukan ni Jessica. At ang nagturo sa kanya? Si Alden Richards lang naman. Bago sila magsimula, nagbiro pa ang Kapuso actor, “Baka pag tinuruan ko kayo, hindi na kayo mag anchor!”

Aminado ang award-winning news personality na wala talaga siyang alam sa ML at ang huli niyang nilaro ay Pacman at Tetris. Pero kahit “newbie”, nanalo pa rin ang team ni Jessica sa practice game ni Alden. Nakatutuwa lang na mapanuod ang dalawang sikat na Kapuso personality na nag-eenjoy sa paglalaro.

Dahil na rin sa pandemya, nagkaroon daw si Alden ng anxiety, lalo na’t ang kapatid niya ay isang frontliner sa ibang bansa. Bukod sa pagdarasal palagi, nakatulong daw ang paglalaro niya ng Mobile Legends upang labanan ang anxiety. May payo rin si Alden sa mga tulad niyang gamer lalo na ang mga kabataan: “Lahat ng sobra nakakasama. Pag masyado tayong kinain ng paglalaro’t pagiging gamer, nakakalimutan na rin natin mabuhay.” Kaya nga dapat daw ay unahin muna ang pag-aaral.

Patuloy ang makulay na career ni Alden. Bukod sa regular siyang napapanuod sa All-Out Sundays at Eat Bulaga, tuluy-tuloy rin ang kanyang endorsements. Siyempre, wish pa rin ng fans na magkaroon ng new projects si Alden this year. May chance kayang mapanuod muli si Alden sa isang public affairs show? Matatandaang ilang projects na rin ang nagawa ni Alden under GMA News and Public Affairs. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, mas iniisip ang pagtulong kaysa sa kita

DOTS Ph, balik-taping na!