in

Jon Lucas, ipinagdiwang ang “pinakamasayang birthday”

Noong August 18, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Kapuso actor na si Jon Lucas. 

Pagbabahagi niya sa Instagram, ito raw ang pinakamasayang birthday niya, “Sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok na ito sa buhay, ang masasabi ko lang, ito ang pinakamasayang taon ng birthday ko. Nakita ko ang totoo kong kayamanan, pamilya at mga kaibigan. Kaya naman, salamat sa mga pagbati n’yo sa akin. Salamat din sa mga tao na nagpadala ng makakain. Salamat sa pagmamahal n’yo sa akin kahit hindi ko ito natumbasan kahit kailan. Higit sa lahat, maraming salamat sa Diyos sa panibagong taon na dinagdag niya sa akin. Masaya ako guys! SALAMAT.”

Samantala, malapit nang magbalik-taping si Jon at iba pang cast ng Descendants of the Sun PH para sa fresh episodes ng primetime series. Tiyak na aabangan ito ng loyal viewers ng programa na nabitin sa panonood nito sa GMA Telebabad

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Neil Ryan Sese, paano kumikita ngayong may pandemya?

“Pretty Titas of Zumba”, tampok sa #MPK