Sa pagkalat ng karamdaman at pangamba sa panahong ito, nakahanap ang ilang mga Pilipino ng pag-asa at inspirasyon sa docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan” ni Judy Ann Santos-Agoncillo na nakatanggap ng mga papuri dahil sa mga kwento ng kabutihan na hatid nito.
Sa programa, itinatampok sa pamamagitan ng mga panayam at pagsasadula ang mga totoong kwento ng mga taong tumutulong sa kapwa nang walang hinihiling na kapalit. Mapapanood ito tuwing Sabado sa Kapamilya Channel sa cable TV at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.
Sa susunod na episode nito ngayong Sabado (Agosto 21), matutunghayan ang magkakadugtong na mga buhay ng civilian guard na si Arnold Carballo, dancer na si Jayvid Garon, PWD rapper na si Joshua Berenguer, at composer na si Mike Swift, na nagtutulungan sa pagbangon at pagsisikap para matupad ang mga pangarap nila sa mundo ng hiphop, breakdancing, and rap.
Dahil naman sa marka na iniwan ng “Paano Kita Mapasasalamat” sa mga manonood nito, linggo-linggo ring bumuhos sa social media ang mga positibong komento tungkol sa show.
“This show is really strumming my heartstrings. It reminds us how a simple act can make a difference. You never know who you can inspire just by being compassionate to others. Let’s be more aware with our actions. #PaanoKitaMapasasalamatan,” sabi ng Twitter user na si @jrnijoel.
“To be honest? Paano Kita Mapasasalamatan and #IbaYan of Kapamilya Channel deserve na makita sa Free TV. It really inspires every single Filipino na maging mabuti araw-araw. Ms. @143angel and @OffiialJuday are really great on their craft,” ang tweet naman ni @JanKeerbee.
“Why aren’t we spazzing out over Juday’s show Paano Kita Mapasasalamatan on Kapamilya Channel? The show makes a person share a gift to another person who oce touched their life & then the other person gies a gift to another person & so on & so forth. It’s so heartfelt & tender!” ang madamdaming post ni @jombitskee sa kanyang Twitter account.
“To be honest, naiyak ako sa show na ito. Ngayon lang ako nakapanuod ng ganitong klaseng show. Very inspiring and heart touching. Kudos sa nakaisip ng ganito. We need a show like this at this trying times. Good job Miss Juday,” ang kwento naman ng YouTube user na si Pussywillows Cattails.
May ilang viewers din na ikinatuwa ang mga nakabubunyag na kwento ng mga kilalang personalidad na tulad ni Iza Calzado, na pinasalamatan ang kanyang katulong na si Donna Garcia na kasa-kasama siya habang nilabanan niya ang COVID-19, at ni Kim Chiu, na pinasalamatan si Adrian Crisanto, ang taong humikayat kay Kim na i-record ang kantang “Bawal Lumabas” matapos siyang siraan sa social media dahil sa pagsasalita tungkol sa ABS-CBN franchise issue.
Subaybayan ang “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel tuwing Sabado, 6:45 PM. sa Kapamilya Channel sa SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Mapapanood din ang livestreaming ng Kapamilya Channel at mga programa nito sa iWant app at sa iwant.ph. Ipinapalabas din ang episodes ng programa sa buong mundo sa TFC and tfc.tv.
Para naman mapanood ang Kapamilya Online Live, mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (www.facebook.com/ABSCBNnetwork).