Sa gitna ng pandemyang kinakaharap nating lahat, patuloy ang GMA Regional TV (RTV) sa pagtulong sa mga Kapuso sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng “Kapuso Barangayan on Wheels”.
Noong Mayo, sinimulan ng GMA RTV ang “Kapuso Barangayan on Wheels” kung saan lumibot ito sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang mamahagi ng mga pagkain at iba pang essential items. Humigit sa 2,000 pamilya ang naabutan ng tulong ng nasabing activity.
Ngayong Agosto, target ng GMA RTV na mas marami pang pamilya ang maabot ng “Kapuso Barangayan on Wheels”. Level-up version ng “Kapuso Barangayan” na matagal nang ginagawa ng RTV ang nasabing outreach. Pero dahil na rin maraming lugar ang naisailalim sa community quarantine, minabuti ng GMA RTV na sila na mismo ang pumunta sa mga kabahayan upang mamahagi ng tulong sa mga Kapuso.
Mula North Central Luzon; Central and Eastern Visayas; Western Visayas; hanggang North, Central, and Southern Mindanao—pupuntahan ito ng RTV teams para mamigay ng pagkain, grocery packs, mga gulay at iba pang poultry products.