Sa Facebook video ni Kapuso PR Girl, natanong si Janine Gutierrez kung ano ang most memorable career moment niya.
Sagot ng aktres, ito raw ay nang manalo siyang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival para sa pelikulang ‘Babae at Baril’. Aniya, “So far, the most memorable career moment I’ve had was winning Best Actress at the QCinema Film Festival. Sobrang exciting, sobrang dream come true, at ‘yun ‘yung pinaka-moment na nasabi ko sa sarili ko na ‘Achievement ‘to!’”
Tampok bilang opening film ang ‘Babae at Baril’ sa New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28.