in

Wendell Ramos at Katrina Halili, ano ang pinagkakaabalahan ngayong quarantine?

Habang hindi pa bumabalik sa taping ang cast ng ‘Prima Donnas,’ abala muna sina Katrina Halili at Wendell Ramos sa kani-kanilang pamilya ngayong quarantine.

Nilulubos daw ni Katrina ang kanyang panahon sa bahay para gabayan ang kanyang unica hija na si Katie Lawrence. 

Aniya, gusto raw niya na lumaki ang anak na marunong sa buhay. “Natuturuan ko siya at nakakatulong siya sa akin dito… Nauutusan ko siya. Tini-train ko siya, kasi ayaw ko siyang lumaking señorita.”

Ang co-star naman ni Katrina sa serye na si Wendell ay abala rin sa pagbibigay ng oras sa kanyang anak na si Wendell Saviour at isa sa kanilang paboritong libangan ang pagwo-workout. Kamakailan din ay nagbukas ng food business si Wendell at sariling YouTube channel.

Happy naman ang kanilang supporters dahil napapanood na muli ang Prima Donnas simula August 17, 3:25PM, sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The Voice Teens,’ gumawa ng kasaysayan sa paghirang ng 4 Grand Champions

Carla Abellana at Tom Rodriguez, makikipag-chikahan sa ‘Mars Pa More’