in

Sofia Pablo, success ang prank kay Allen Ansay!

Nakabawi rin ang ‘Prima Donnas’ star na si Sofia Pablo kay Allen Ansay sa kanilang prank wars. Matatandaang nabiktima siya ni Allen sa nakaraan nilang vlog kung saan nagpanggap siyang may ex-girlfriend sa Bicol.

Hindi pumayag ang teen actress na hindi makaganti kaya naman niloko niya si Allen na kailangan na niyang pumunta sa Singapore dahil sa pandemic.

At para lalong malungkot si Allen, sinabi pa ni Sofia na hindi siya sure kung kailan siya babalik. Siguradong matutuwa na naman ang fans ng Team Jolly sa panibagong vlog na ito sa kanilang YouTube channel.

Samantala, excited na rin ang Kapuso viewers sa pagbabalik ng paborito nilang GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ sa TV. Abangan muli ang karakter ni Sofia bilang si Donna Lyn simula ngayong Lunes, August 17, 3:25PM sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, may ibinahaging relationship advice

Award-winning actresses Jodi Sta. Maria at Iza Calzado magkasama sa bagong serye na ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’