Mayroon na ring sarili niyang gaming channel ang ‘Prima Donnas’ star na si Jillian Ward. Nahilig kasi sa paglalaro ng online games ang aktres habang naka-quarantine sa bahay.
Wala pang isang linggo nang ipakilala niya ang ‘Jillian Ward – Gaming’ Facebook page, umabot na agad sa 22,000 ang followers niya. Ini-upload din niya ang kauna-unahan niyang game live streaming noong Biyernes, August 7, at as of this writing, nakakuha na ito ng mahigit 50,000 views.
Samantala, excited na ang fans ni Jillian sa pagbabalik-telebisyon ng ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime simula Lunes, August 17.