Sa episode ng ‘DOTS How To Do It’ ng Descendants of the Sun PH na napanood kahapon online, ipinakita ng Kapuso actress na si Jenzel Angeles kung paano gumawa ng homemade milk tea.

Gamit ang ingredients na madaling mahanap sa kusina at mura pa, achieve na achieve ang patok na drink na ito. Sa dulo ng tutorial, namigay pa si Jenzel ng regalo sa isang lucky viewer!
Habang hindi pa muna nagbabalik-trabaho, online muna natin mapapanood ang cast ng DOTS PH sa official Facebook page ng programa, at iba pang exclusive updates at content sa gmanetwork.com/GETS.