in

Kris Bernal, busy sa pagma-manage ng kanyang online grocery mart

Isang online grocery mart ang naisipang itayo ng Kapuso actress na si Kris Bernal matapos ang ilang buwan na hindi nag-o-operate ang kanyang Korean restaurant.

Ginawa ito ng aktres para patuloy na matulungan ang kanyang mga empleyado at hindi sila mawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. 

Aniya, “Kasi ayaw ko silang pakawalan. Hindi ko kaya nang wala silang trabaho. ‘Yun ‘yung pinaka-concern ko, e gusto ko, lahat sila may trabaho.”

Mas pinili ni Kris na isara ang House of Gogi restaurant niya para pangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga empleyado. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso beauties, may ladies night ngayong Sabado

LJ Reyes, marami pa ring pinagpapasalamat