in

Betong Sumaya, sinubukang maging barbero!

Dahil balik-MECQ ang Metro Manila at ilan pang lugar, sarado ulit ang non-essential establishments.

Kaya naman ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya, nag-do-it-yourself o ‘DIY’ na nang paggupit! Ipinakita niya sa vlog kung paano niya sinubukang maging barbero para lang maayos ang humahaba niyang buhok, “Alam ninyo ba guys, ito na yata ‘yung pinaka matagal na hindi ako nagpagupit. Almost five months.” 

Inalala rin ni Betong ang naging experience sa Survivor Philippines kung saan itinanghal siya bilang winner dahil 36 days din daw silang walang gupit at ahit. 

Panoorin ang nakatutuwang vlog ng Bubble Gang at All-Out Sundays star sa kaniyang YouTube channel na ‘Betong’s Amazing World.’ 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ces Drilon, naghahanap ng co-host sa susunod na ‘Bawal Ma-Stress Drilon’ livestream sa FYE Channel

Ben Alves, negosyante na rin