in

Paolo Contis at Mikee Cojuangco-Jaworski, reunited sa ‘Just In’

Sa latest episode ng GMA Artist Center online show na Just In, nakapanayam ni Paolo Contis si Mikee Cojuangco-Jaworski tungkol sa pagbabago ng kanyang buhay simula ng magkaroon ng community quarantine.

Kuwento ni Mikee, apektado ngayon ang kanilang negosyo, “Unfortunately, ‘yung mga business namin hindi tumatakbo. Kasi hotel ‘yung main business namin, so siyempre, sarado pa, hindi pa makapagbukas. Pati si Dodot [Jaworski], walang masyadong trabaho rin.”
 
Nagbago rin daw ang kanyang trabaho sa International Olympic Committee. Noong nakaraang buwan lamang nang mabalitang na-elect si Mikee bilang International Olympic Committee (IOC) Executive Board member sa ginanap na 136th IOC session.
 
Sinariwa rin nina Paolo at Mikee ang kanilang experience working together bilang hosts ng isang kiddie reality search sa GMA. “Kasi diba nagko-kontrabida ako so itong show na ito, very memorable sa akin tapos ikaw pa yung kasama ko. Dahil dito naipakita kong pwede akong maging part ng ganitong klaseng show na pambata,” ani ng Kapuso actor.
 
Ngayong Miyerkules (August 5), ‪ang Kapuso actress naman na si Carla Abellana ang makakakwentuhan ni Vaness del Moral. ‘Wag palampasin ang masayang episode ng Just In at 8pm sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page. See you online, mga Kapuso! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, inamin ang ‘craziest thing’ na ginawa niya for love

Klea Pineda, pangarap maging piloto