in

Michael V, patuloy na nagpapagaling, may hinala kung saan nakuha ang virus

Sa pinakahuling vlog entry ng Kapuso comedian na si Michael V., ibinahagi niya ang good news na bumubuti ang kanyang pakiramdam matapos magkaroon ng COVID-19.

Regular din siyang kumukonsulta sa kanyang mga doktor para mag-update sa kanyang status habang nagpapagaling sa bahay. Nasa pang-siyam na araw na siyang walang sintomas ng COVID-19.

Naikuwento rin sa kanyang vlog ang tingin niyang dahilan kung paano siya tinamaan ng virus. Maaari raw na nakuha niya ang sakit dahil sa deliveries.

Aniya, “Marami pa rin nagtatanong kung saan ko nakuha ‘yung virus, so let me tell you what I think. Noong early July bumiyahe kami sa Batangas at kahit bahay-kotse-bahay lang ‘yung naging sistema namin papunta at babalik, siyempre, ‘yun agad ang pumasok sa isip ko. Doon sa biyahe na ‘yun tatlong tao lang ang nakalapit sa akin at lahat sila ay ngayon ay negative.”

“Sa apat na kasambahay namin na pinatest din namin, isa ang nag-positive pero asymptomatic. At kumpara sa misis ko at mga anak ko, ako ‘yung pinaka hindi in-contact sa kanila. Si Ayoi at ‘yung mga anak ko nag-negative din sa test, so ibig sabihin hindi ko sa Batangas nakuha,” paliwanag pa niya.

“Ang duda ko deliveries, pero FYI lahat ng deliveries na dumadating hindi nakakapasok sa studio na hindi sina-sanitize. Pero dahil sa sobrang excited ko na mabuo ‘yung studio ko, palagay ako na may mga online deliveries ako na nabuksan tapos diretso ginamit ko na. Sa sobrang atat ko, malamang hindi ko na nasanitize ‘yung nasa loob nung package, ‘yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit ‘yung virus sa katawan ko,” dagdag pa ni Bitoy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

EA Guzman, may makaka-e-date

Dingdong Dantes, espesyal ang 40th birthday celebration