in

Pops Fernandez, binigyan ng makeover ang assistant

Pinatunayan ni Centerstage judge Pops Fernandez na hindi lang sa kantahan siya may ibubuga, dahil pati na rin sa pagme-make up ay maaasahan din ang Kapuso singer. 

Sa kanyang latest YouTube vlog ay niregaluhan ni Pops ang kanyang assistant na si Ate Yolly ng total makeover na siya mismo ang gumawa. 

Biro pa niya, “Ang swerte-swerte naman ni Yolly or hindi ko alam. Maswerte ba siya o magsisisi ba siya in a while?

Inamin ni Pops na ang kanilang makeover ay dulot ng labis nilang pagkainip sa bahay. “Wala [siyang] choice kasi wala kaming magawa sa house. You always find something interesting to do at home and this is it.”

Nangako naman si Pops na gagalingan niya ang makeover para sa pinakamamahal na assistant, “I will try my best to make magic happen. Ang idea is kailangan maiba ‘yung look ni Yolly for today. For those of you who know Yolly, of course you know Yolly is my girl Friday. She is my left, right hand, my left and right foot. She is my everything. Kaya ngayon she will get a treat.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens, kinilig sa surprise video ni Mark Zambrano kay Aicelle Santos

‘Amazing Earth,’ may panibagong adventures ngayong Linggo