in

Ruru Madrid, hinarana ang fans sa isang BTS song cover

Isa na namang nakaka-kilig na regalo ang binigay ng Kapuso actor na si Ruru Madrid para sa kaniyang avid fans at followers sa social media! 

Matapos mapansin ang kaniyang fashion resemblance sa member ng BTS na si Taehyung kamakailan, nag-post naman si Ruru ng cover niya ng kantang “Sweet Night.”

Inalay ito ng aktor sa kaniyang mga tagahanga, “This is dedicated to all my supporters, to my Rurunatics family, thank you for everything! To all the ARMYs, thank you for making me feel your love! Borahae”

Samantala, kasalukuyang napapanood si Ruru sa rerun ng 2016 primetime series na ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso heartthrobs, all set na para sa Quiz Beh!

Paolo Contis: Patience is very important