in

Aiai delas Alas, ibabahagi ang natutunan sa kanyang baking business sa ‘Mars Pa More’

Isa si Comedy Queen Aiai delas Alas sa mga artistang naisipang magbukas ng negosyo sa gitna ng quarantine matapos pansamantalang maantala ang kanilang trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic. 

Dahil sa pamamalagi sa bahay, napagdesisyunan ni Aiai na gamitin ang kanyang culinary skills at simulan ang isang pasty business na hango sa kanyang tunay na pangalan, ang Martina’s Bread and Pastries. 

Sa kasalukuyan, matagumpay at patuloy na lumalago ang baking business ng Kapuso actress. Isa raw sa mga natutunan niya sa baking ay importante ang tama at saktong sukat ng ingredients, “Ngayon ko lang din nalaman na ang yeast ay nag-o-overheat. Isa sa secret is precision, kailangan precise dapat ‘yung recipe mo.”

Masaya namang ibabahagi ni Aiai ang kanyang mga napagdaanan habang binubuo pa lamang ang baking business pati na rin ang ilang recipes sa kanyang guesting sa fresh episodes ng Mars Pa More kasama ang hosts at Kapuso moms na sina Camille Prats at Iya Villania. Abangan ang kanilang masayang chikahan ngayong Lunes (July 27), 8:50AM, sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jak Roberto, doble ingat ngayong ‘new normal’

Chariz Solomon, may easy at healthy recipes sa ‘DOTS How To Do It’