in

Pamilya Legaspi, thankful sa piling ng isa’t isa

Trending ang fresh episode ng paboritong Saturday morning talk show na ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ noong Sabado. 

Sa kanilang pagbabalik ay masayang ipinasilip ng pamilya Legaspi ang kanilang buhay quarantine at ibinahagi ang rason kung bakit sila thankful sa isa’t isa.

Kuwento ni Carmina Villarroel, nagpapasalamat siya na buo at healthy ang kanilang pamilya. “As long as you guys are together, as long as you guys are safe and healthy, sobrang blessing na ‘yun sa Diyos.” 

Grateful naman ang kambal na sina Mavy at Cassy sa presensya ng kanilang mga magulang at sa suportang ibinibigay ng mga ito. 

Samantala, thankful naman si Zoren Legaspi sa pagiging maalaga ng asawa at pagiging mabait ng kanyang mga anak.

Tumutok sa nakakaaliw na fresh episodes hatid ng Legaspi family sa ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’ tuwing Sabado, 10:45AM, sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong show ni Mareng Winnie, ikinaaliw ng viewers

Max Collins at Pancho Magno sa unang baby: “Masaya na mahirap”