in

Rita Daniela, ipinakita kung paano gawin ang kanyang “No Makeup Makeup” look

Maraming humahanga sa aura ng Kapuso star na si Rita Daniela. Ang lakas kasi ng dating ng aktres lalo na tuwing humaharap sa camera at kitang-kita rin ito sa mga selfies niya na ipino-post online. Kaya naman, hindi maiwasan ng mga fans niya na magpaturo paano mag-ayos ng sarili.

Pinagbigyan naman ito ni Rita via her “No Makeup Makeup” look tutorial video sa kaniyang YouTube channel. Ipinakita niya rito ang ilan sa mga products at techniques na ginagamit niya.

Natural at simple lang daw ang peg ng “go-to” look ni Rita. Madali rin itong sundan at i-recreate para sa mga gustong sumubok! Bisitahin lang ang YouTube channel ng aktres para mapanood ang full video.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pancho Magno, aliw sa unang ligo ng anak!

Anthony Rosaldo, tanggap na ang “new normal”