in

House tour ni Gabbi Garcia, ikinatuwa ng netizens

Matagal nang nire-request ng fans at YouTube subscribers ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia ang house tour niya. 

Finally noong nakaraang Sabado ay ini-upload na ito ni Gabbi at as of this writing, may higit 770,000 views na ito. “Urban jungle” at “tropical glam” ang theme na napili nila para sa bahay, pero dahil daw sa green accents ay madalas mapagkamalang “Alena-inspired” o mula sa character niya sa ‘Encantadia’ ang overall design. Sey ng followers niya, sana raw ay room tour naman ang sunod na i-upload ni Gabbi.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Gabbi sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos, ipinasilip ang kanyang work-from-home setup

Legaspi family, na-challenge sa taping ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ sa kanilang bahay