Pag-amin ni Kapuso actress Rhian Ramos, hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang kabang naramdaman sa unang serye niya sa Kapuso Network, ang Captain Barbell noong 2006.
Ito raw ang nagpapaalala kay Rhian kung saan siya nagsimula bilang artista pati na rin ang lubos na pagtitiwala ng GMA sa kanya. “Kapag iniisip ko siya, naalala ko pa rin ‘yung takot at kaba na naramdaman ko noong binitawan ko ‘yung una kong linya. Hanggang ngayon, ‘yun pa rin ‘yung kaba na nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ko ang lahat ng mga proyekto ko kasama ang GMA. Sila ang nagbibigay sa akin ng marami kong ‘firsts’ gaya ng drama at hosting. GMA ‘yung unang nagtiwala sa akin,” kwento ni Rhian.
Makikipag-kamustahan at chikahan naman ngayong Biyernes (July 10) si Rhian sa online get-together ng pinagbibidahang serye na ‘Love of my Life’ na #LetsTalkLove, 6PM, sa Facebook page ng GMA Drama.