Isa nga raw sa mga bagay na sinisikap gawin ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ngayon ay ang iwasang makaramdam ng inggit upang maging mabuting impluwensiya sa iba.
“It’s not all beauty, glam. It’s not all good stuff. Ang daming nagsasabi sa akin na ang saya raw ng buhay ko. Ang saya raw na nagagawa ko ‘to, nagagawa ko ‘yan. Pero may things din na nakaka-inggit sa buhay ng iba,” pahayag ni Mikee.
Ngayon daw ay tanggap na nito na sadyang may mga bagay na hindi nakalaan para sa kanya at sa halip ay mas gusto na niyang mag-focus sa mas importanteng bagay gaya ng pagiging mabuting ehemplo sa kanyang supporters, “‘Yun ‘yung na-realize ko. Make the most of what you have kaysa sayangin mo ‘yung oras mo na naiinggit ka sa kung anong mayroon sa iba. Nakakahawa ‘yung inggit eh. Na-realize ko personally na kung ganito ako mag-isip, paano ‘yung mga nag-iidolo sa akin? Baka ma-influence ko sila nang hindi ko sinasadya,” dagdag pa nito.
Samantala, muling mapapanood si Mikee sa paboritong Sunday tambayan na ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ na mapapanood na rin sa telebisyon simula ngayong Linggo (July 12), 12:45 PM, sa Kapuso Network.