Dumalo ang Kapuso actresses na sina Barbie Forteza at Chynna Ortaleza sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil nitong Martes, July 7.
Ibinahagi ito ni Chynna sa kanyang Instagram post na may kasama pang caption, “So I joined Cherie Gil’s Masterclass! Day 1 done and the insights I learned are jewels of a lifetime. I Love being an actor!”
May mga humanga rin kina Barbie at Chynna dahil willing pa rin daw silang matuto. Bukod sa dalawa, dumalo rin sa masterclass ang iba pang aspiring actors na gustong matuto mula kay Cherie.
Naka-schedule ang Zoom class ni Cherie sa July 11, 14, 16, at 18 kung saan ibabahagi ng aktres ang mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon niya sa showbiz.