in

Chef Jose Sarasola, nagshare ng recipe sa ‘Unang Hirit!’

Marami sa atin ang nahilig sa pagluluto habang naka-quarantine. Sakto rito ang online guesting sa Unang Hirit ng bagong Kapuso artist na si Chef Jose Sarasola upang turuan ang mga manonood kung paano gumawa ng Chicken Salpicao!

Marami ang tumutok sa ibinahagi niyang special recipe sa morning show. Bukod kasi sa madali itong sundan, nakakatakam naman talaga ang pagkakaluto niya!

Kamakailan lang ay opisyal na pumirma ng management contract si Jose sa GMA Artist Center at aniya, excited na siya sa future projects as a Kapuso, “I’m very happy and excited for another challenge, especially I want to do more in my career in terms of enhancing my cooking career and striving to be a celebrity chef as well.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rodjun Cruz, excited na sa pagdating ng kanilang baby boy!

Willie Revillame, bilib kay AiAi delas Alas