in

Migo Adecer, may ipapaliwanag kina Barbie at Kate?

Ngayong Lunes (June 22), si Kapuso actor Migo Adecer naman ang sasabak sa vlogging sa ika-apat na episode ng special vlogs ng GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Matapos ang apology vlog ni Ginalyn (Barbie Forteza), ang reaction vlog ni Caitlyn (Kate Valdez), at ang vlog ni Benny (Benedict Cua) kung paano maging mabuting kaibigan, susubukan naman ni Cocoy (Migo) na magpaka-vlogger at magbahagi ng tips kung paano nga ba alagaan ang puso ng babaeng pinakamamahal mo sa pang-apat at pinakahuling vlog.

Tutukan ang vlog ni Cocoy na ‘How to NOT Break a Woman’s Heart’ mamayang 8PM sa official YouTube at Facebook accounts ng GMA Network. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jak Roberto, nagpakilig sa ‘Marikit’ dance cover!

Sofia Pablo, ibinahagi ang quarantine realizations