Last two weeks na lang ang natitira sa ‘The Killer Bride’ na ineexpect ng marami na maeextend dahil talaga namang promising ang simula nito at nag-eenjoy ito sa double-digit ratings mapa-NUTAM man o Kantar Media.
Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin nang dumating ang ‘One Of The Baes’ na tinodo ang saya at kilig dahilan para lumipat ang mga nakakatakot at naguguluhang viewers ng ‘The Killer Bride.’
Unti-unting nagbago na rin ang direksyon ng istorya ng ‘The Killer Bride,’ mas dumami ang subplots – ang akalang may pagkahorror-thriller, naging action-revenge nang kinalaunan. Hindi na nga maikakaila na kahit paano ay comparable ito sa naunang soap ni Maja Salvador na ‘Wildflower’ na revenge-serye rin.
Habang ang ‘One Of The Baes’ ay kalalampas lamang sa one season (meaning extended pa ito), ang ‘The Killer Bride’ naman ay aabot ng limang buwan hanggang sa ending nito. Kahit madalas na nalalamangan ng ‘One Of The Baes,’ masasabi pa rin nating moderate hit ang teleseryeng ito ni Maja dahil consistent top-rater naman ito nung una at talagang nakapagset ito ng mataas sa ratings considering nasa third timeslot siya.
Kahit paano, ang pagwawakas ng ‘The Killer Bride’ ay pwedeng iattribute sa tagumpay ng ‘One Of The Baes’ na nag-angat ng ratings ng GMA Network sa late timeslot. Aminin, mababa ang ratings ng sinundan nito na dumaan din ng rigodon.
Balita namin ay ang teleseryeng pinangungunahan ni Gerald Anderson na may title na ‘A Soldier’s Heart’ ang papalit sa ‘The Killer Bride.’ Let’s see next week, for sure may presscon na sa teleseryeng iyan kung ‘yan ang papalit.