in

Shaira Diaz, busy pa rin kahit quarantine

Home improvement ang pinagkaka-abalahan ngayon ng Kapuso actress na si Shaira Diaz habang naka-quarantine. Itinuturing niyang project para sa sarili ito dahil perfect time ang lockdown para pagandahin pa ang tinitirahan nila.

Kesa raw magmukmok, gusto raw niyang maging busy kahit papaano sa bahay, “Prinoject ko po ‘yung kusina namin, ‘yung dirty kitchen naming. So nagpintura po ako ng bahay, ‘yung wall sa kitchen, nagpa-semento. At the same time, pinasok ko rin po ‘yung pag-i-stream ng Mobile Legends and ‘yung vlog din po.”

Kamakailan lang, nag-guest si Shaira sa ‘Bawal Judgmental’ segment ng ‘Eat Bulaga’ at aminado siyang na-miss daw niya talaga ang mag-trabaho ulit. 

Sa kaniyang Instagram, pinasalamatan niya ang lahat ng nanood at nakisaya sa show, “Salamat sa lahat ng nanuod ng #bawaljudgmental at maraming salamat Dabarkads @eatbulaga1979, sobrang nag-enjoy ako! Ang saya at sobrang nakakakaba haha! P.S. Sobrang namiss ko makapunta ng studio at magtrabaho!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Thea Tolentino, motivation ang mga kaibigan sa pagwo-workout

Rocco Nacino, hindi malilimutan ang suporta ng ama