in

‘Prima Donnas: Watch From Home’ live stream, inaabangan na!

The wait is almost over para sa fans ng hit Kapuso Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ dahil ngayong Biyernes (‪June 19), ‪5 p.m., ay mapapanood na ang much awaited cast reunion via live stream!

Ayon sa teaser ng GMA Network, isang malaking cast reunion at celebration ang inihanda ng programa. Exciting dahil siguradong tampok dito ang Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan, kasama pa sila Elijah Alejo, Aiko Melendez, Katrina Halili, Benjie Paras at Wendell Ramos.

Para mapanood ang Watch From Home party na ito, tumutok lamang sa Facebook, Twitter, o YouTube channel ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jennylyn Mercado, nagpabilib sa pagtugtog ng bass guitar

Gladys Reyes, magkakaroon ng online acting workshop