in

Jennylyn Mercado, nagpabilib sa pagtugtog ng bass guitar

Sa second episode ng CoLove stay-home edition, pinahanga ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang YouTube subscribers niya sa pagtugtog niya ng bass guitar, habang kinakanta naman ni Drama King Dennis Trillo ang hit 1976 song na “Silly Love Songs”.

Ayon sa ‘Descendants of the Sun’ lead actress, espesyal daw ang episode na iyon para sa kanila, “Extra special itong CoLove cover namin ni Dennis dahil for the first time e ako ang mag-play ng bass sa buong song while si Dennis naman takes on the lead vocals and sings solo.”

Mas ikinatuwa ng fans ang pagsama sa kanila ng band members ng 3rd Avenue, na kasabay nilang tumugtog mula sa safety ng mga bahay nila.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Megan Young, mapapalaban sa online gaming

‘Prima Donnas: Watch From Home’ live stream, inaabangan na!