in

‘Ang Dating Doon,’ nagbasbas ng katatawanan sa YouLOL livestream!

Sino ba naman ang makakalimot sa mga nakakatawa at pilosopong sagot ng trio nina Isko Salvador o mas kilala bilang Brod Pete, Cesar Cosme bilang Brother Willy at Chito Franscisco bilang Brother Jocel ng patok na segment ng Bubble Gang na ‘Ang Dating Doon.’

Bilang regalo sa kanilang mga tagahanga na ang ilan ay nai-stress o di kaya’y bored na sa bahay dahil sa umiiral na quarantine, nagsama muli ang tatlo sa isang nakakatawang livestream handog ng official comedy channel ng GMA-7 na YouLOL noong Sabado (June 13).

Bumuhos naman ang comments at questions galing sa mga netizens mula sa iba’t ibang panig ng mundo gaya na lang sa UAE, Singapore, Norway, at USA.

“Matinding gamot ‘to sa stress Brod. Pete. Watching from Singapore,” ani ng netizen na si Paul Guevarra.

“You guys make me laugh so loud! Greetings from Scarborough, Canada! Mabuhay!” saad naman ng netizen na si Ivy delos Reyes.

Siyempre, hindi rin nawala ang mga nakakalokong katanungan mula sa sambayanan, “Magandang gabi mga ka-alien! Brod Pete tanong ko lang, ma-iinfect din ba ng virus ang virus? Salamat po sa sagot.”

Maaaring mapanood muli ang replay ng ‘Enhanced Ang Dating Doon’ sa official Facebook at YouTube accounts ng YouLOL.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Unang online game stream ni Alden Richards, tinutukan ng fans

Benedict Cua, parehas na nae-enjoy ang pag-vlog at pag-arte