in

Unang online game stream ni Alden Richards, tinutukan ng fans

Nitong nakaraang Sabado, tinutukan ng fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang una niyang online game stream sa #ARGaming. Napanood ito sa official Facebook page ng aktor kung saan naglaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok.

Kuwento ni Alden sa stream, “Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so iba eh. Parang it’s a different world.”

Advice naman ng ‘Centerstage’ host sa mga tulad niyang mahilig sa online games, dapat ay magkaroon ng tamang balanse sa oras kapag naglalaro, “Perfect balance lang. Dapat balanse lang. Ako kaya lang naman ako bugbog sa online games gawa ng quarantine.”

Bago matapos ang stream, nag-iwan ng paalala si Alden sa mga nanood sa kanya na manatiling ligtas mula sa banta ng COVID-19, “Sa mga nasa bahay ngayon, stay safe, stay at home, manood ng stream. At gumawa ng makabuluhang bagay.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Michael V., fan na fan pa rin ng ‘Voltes V’

‘Ang Dating Doon,’ nagbasbas ng katatawanan sa YouLOL livestream!